Mahilig ka bang mag bisikleta? Meron din itong batas trapiko na dapat sundin! Ipinapakilala namin ang "Batas trapiko na may Kaugnayan...
Mahilig ka bang mag bisikleta? Meron din itong batas trapiko na dapat sundin! Ipinapakilala namin ang
"Batas trapiko na may Kaugnayan sa pagbi-bisikleta" ng Korea. Dahan-dahang nagiging-trend ang paggamit ng Bisikleta. Dahil dumadami ang gumagamit nito. Ating alamin ang ilan sa mga importanteng regulasyon para sa kaligtasan.
Ang bisikleta ay isang uri ng "Vehicle"
Ang bisikleta ay legally classified bilang isang "Vehicle" at dapat itaboy sa motorway o pumaroon lamang sa kalsada para sa bisikleta. Bawal sumakay sa bisikleta sa mga pedestrian lane at mga Walkway (daanan para lamang sa mga naglalakad na tao). Ang pagbi-bisikleta ay dapat maging maingat upang hindi makagambala ng trapiko at dapat lumayo sa daanan ng mga kotse. At ang pinakaimportante ay labag ang magbisikleta sa main road at magmaneho pasalunghat sa daloy ng trapiko.
Magingat sa pagmamaneho kahit sa Walkway!
Ikaw ang may 100% na responsibilidad kung nakabangga ka ng tao sa walkway. Marami ding naglalakad sa Bicycle lane, kaya magingat sa paggamit ng bisikleta.
Hanggang 20kph lamang ang bilis sa Han River
May mga kalsada sa pagbibisikleta sa Han River para sa mga taong nais magrelax at gumamit ng bisikleta. Gayunpaman, ang mga bicycle lane sa Han River ay ginagamit din ng mga naglalakad kaya nirerekomenda na hanggang 20 kilometro kada oras lamang ang bilis ng pagmamaneho.
COMMENTS