Ginanap ngayong ika-20 ng Mayo ang panimulang seremonya ng “Together Day” sa Seoul Foreign Affairs Office. Sa pagkakataong ito sampung day...
Ginanap ngayong ika-20 ng Mayo ang panimulang seremonya ng “Together Day” sa Seoul Foreign Affairs Office. Sa pagkakataong ito sampung dayuhang residente ng Seoul ang nakatanggap ng patimpalak. Mga piling tao galing Tsina (5), Vietnam (2), Kyrgyzstan, Uzbekistan at Canada ang nakatanggap ng “Seoul Mayor’s Award”. Dahil sa kanilang kontribusyon para pagpabutihin ang internasyonal na polisiya ng Seoul. Binibigay ng Seoul Metropolitan Government at Seoul Global Center ang patimpalak na ito sa mga naggagalingang dayuhang residente ng Seoul galling mula multicultural na pamilya at mga estudyante..
Nagpasiklab ng makukulay na alindog ang mga grupo ng mga babae galing Indonesia at Vietnam habang bumirit naman ang Multicultural Children Choir at mga grupo galling sa Pilipinas at Tsina. Sadyang ang araw na ito ay inilaan para maunawaan ang mga kultura ng ibat ibang bansa sa pamamagitan ng pagtatanghal. Ang mga grupo naman ng Korean ay nagpatugtog ng instrumentong gayakum at kumanta ng Arirang. Meron ding parte ng programa na matikman ang pagkain ng ibat ibang rehiyon at pagkakataong suotin ang kanilang mga tradisyunal na kasuotan.
Ang Uzbekistan director ng Seoul Global Center Living Support Team na si Alimova Shahnoza ay isa sa mga nakatanggap ng patimpalak. Buong tuwa niyang sinabi na,

"Ang patimpalak na ito ay hindi para sa akin, kundi para sa Seoul Global Center"
COMMENTS