"Nahuli ako at madedeport... Ano ang gagawin ko?" Kung nakatanggap ka ng Deportation Order (48-1) o Departure Order (68-1) na in...
"Nahuli ako at madedeport... Ano ang gagawin ko?"
Kung nakatanggap ka ng Deportation Order (48-1) o Departure Order (68-1) na inissue ng Immigration Office at gusto mong i-cancel yun sa kung ano mang dahilan... Ano ang gagawin mo? Narito ang impormasyon at ilang tips na pwede magsalba sa iyong buhay Korea.
Ang Deportation Order (강제 퇴거 명령) ay batay sa Article 46 (1) ng Immigration Act (ito ang dahilan kung bakit mayroong 46-1 stamp sa passport). Ang Departure Order (출국 명령) ay batay sa Artikulo 68 (1) ng Immigration Act (kaya ang 68-1 stamp sa iyong passport). Ang Immigration officer ay maaaring mag-isyu ng 68-1 departure order kapag ikaw ay subject for deportation ngunit kusang loob kang lumabas ng Korea.
May dalawang paraan para ma-cancel o ma-hold ang Deportation/Departure Order:
1. Administrative Appeal: Mag file ka ng apila (행정 심판) sa Administrative Appeals Commission (행정 심판 위원회) laban immigration officer na nagbigay ng order na humihiling ng pag-cancel ng binigay niyang order. Kung natalo ka sa apela, kailangan mong gawin ang number 2.2. Lawsuit: Maaari kang pumunta nang direkta sa Korean court ng hindi ginagawa ang number 1 sa pamamagitan ng pag-file ng isang kaso sa hukuman laban sa immigration officer na nagbigay ng order na humihiling ng pagkansela sa papel.
Maraming factors bago makapag-decide ang Korean court. Bukod sa mga documents na kanilang natanggap, tinitignan din nila ang kalagayan ng migrant (Ex: mayroon kang anak, kasal ka sa koreano, matagal ka na nakatira dito, may sakit ka, ikaw ay buntis, etc.).
Tandaan na ang situwasyon ng ating mga kababayang pinoy sa Korea ay iba iba. Ang chance na ma-cancel ang deportation/departure order ay hindi kataasan, subalit may karapatan ang Korean court na panatilihin ka dito sa Korea kahit walang visa. Rerespetuhin ito ng Immigration office.
COMMENTS