Noong Disyembre 9 (Sabado), nagorganisa ang Seoul City ng forum para talakayin ang birth rate na krisis sa Korea. Ang mga mamamayan ay lumah...
Noong Disyembre 9 (Sabado), nagorganisa ang Seoul City ng forum para talakayin ang birth rate na krisis sa Korea. Ang mga mamamayan ay lumahok sa forum para makagawa ng sampung solusyon kung papaano dumami ang mga bata sa Korea.
Gamit ang smartphone, sila din ay bumoto kung ano ang pinaka mabisa at importante sa ginawang mga solusyon. Ang pinakamaraming botong solusyon ay ang pagbigay ng suportang pinansiyal sa mga bagong kasal, pagbigay ng suportang pinansiyal sa paglipat-bahay ng mga bagong kasal at diskwento sa pagrenta sa bahay.
Ang ibang mga tinalakay na solusyon ay; Mas maayos na maternity leave, neighborhood one child-one room center, supporta para sa mga teenager na buntis na walang asawa, tulong pinansyal para sa mga may anak na pumapasok sa elementary school, mga daanan na stroller-friendly, atbp. Sa kasamaang palad, walang polisiya na sumusuporta sa pamilya na parehong dayuhan ang mga magulang.
Sinabi ni Seoul Mayor na si Wonsoon park na aktibo niyang ipagpatuloy ang mga gawain na pinili mula sa anim na mga departamento sa mga susunod na taon (pabahay, trabaho, pagaalaga sa mga buntis, pagpapalaki ng bata, multiculturalism at balanseng oras sa trabaho at pamilya). Dagdag pa niya, “Sa wakas, nakakita na ako ng mga solusyon sa krisis ng low fertility rate. Mabuhay tayong lahat"

COMMENTS