Ipinatupdad ng Ministry of Justice na pagbawalan ang mga dayuhang estudyante na mag part-time sa mga factory simula sa Octobre 5. Layuni...
Ayon sa Article 4:20 (Out-of-Residence Activity) ng Immigration Control Act ng Ministry of Justice, Ang dayuhang estudyante na gustong magtrabaho ng part-time o magtrabaho sa panahon ng bakasyon ay kailangang makatanggap ng permiso sa Immigration Office. Para magawa ito, ang estudyante ay kailangan maghanda ng Certificate of Enrollment, Transcript, katibayan na pinapayagan siya ng unibersidad, work contract, business registration certificate, alien registration card at passport. Kung siya ay pinayagang makapag part-time, lalagyan ng sticker ang kanyang passport. Ang mga international students na nag-trabaho ng part-time na walang permiso ay maaring mapatawan ng penalty o ma-deport kung paulit-ulit na di sinusunod ang batas.
Ang numero ng mga dayuhang estudyante na nagaaral na may D-4 (Language Training) at D-2 (Study Abroad) sa Korea ay mabilisang tumataas. Base sa ulat ng Korea Times ngayong August 31, ang mga bilang ng mga international students ay 135,234 na katao, 15.9% na mas mataas kumpara sa nakaraang taon.
Nash Ang - nash@pinoyseoul.com
COMMENTS