Your Filipino Korean Portal


A media portal providing useful facts and information to support the Filipinos in South Korea.

Total Pageviews

Gabay sa Buhay Korea – Mga Night Market sa Seoul


Ang Bamdokkaebi Night Market sa Seoul ay bukas hanggang sa buwan ng Oktubre sa Yeouido, Dongdaemun, Cheonggyecheon, Banpo, at Cheonggye Plaza. Halina at ating bisitahin kasama ang iyong pamilya at mga kaibigan!


Yeouido – Maglakbay sa buong mundo habang sinisilawan ng liwanag ng gabi


Ang night market na ito ay nagtatampok ng iba't ibang pagkain at mga gamit na yari sa kamay na mula sa ibat ibang lupain. Tara na at silayan ito sa likod ng Hangang River.

Ikaw ay matutuwa sa magandang tanawin habang nageenjoy sa pagtatanghal ng mga street performers. Mistulang paglalakbay ito sa buong mundo dahil sa mga tradisyunal na mga palabas hatid ng mga performers galing Korea, Asya, Europa, at Timog Amerika. Halina sa Hangang River ngayong gabi para sa isang biyahe na hindi mo makalimutan!

Address: 330, Yeouidong-ro, Yeoeuido-dong, Yeongdeungpo-gu, Seoul

DDP – Sumisimbulo ng bagong kultura ng mga kabataan: The Trendy Market 


Iniimbitahan ka ng Trendy Market upang mangarap, magdisenyo, at maglaro! Ito ay bagong lugar ng mga malikhaing disenyo kasabay ng mga musika hatid ng mga DJ at fashion show tuwing gabi. Kada gabi ay maraming mga panibagong gawain sa modernong lugar na ito. Halinat pumunta sa Dongdaemun Design Plaza kasama ang kabataan na lumilikha ng bagong kultura!

Address: 281, Euljiro, Jung-gu, Seoul


Cheonggyecheon - Ang natatanging Korean night market na ginaganap sa Cheonggyecheon Stream

Ang night market na ito ay may lugar na tinatawag na Dokkaebi Street kung saan nakalinya ang mga “Goblin” lights sa Cheonggyecheon Stream. Mayroon ka ding makikitang aktwal na “Night Goblin” na pinapaniwalang nagbibigay ng katotohanan sa mga kahilingan. Meron ding lugar kung saan pwede maglagay ng "Love Locks" para ikandado ang iyong pagibig kasama ang iyong mahal sa buhay. Mayroon ding “Wish Tree” kung saan pwede mo isulat ang iyong mga pangarap sa isang piraso ng papel at idikit sa puno. Huwag kalimutang kumuha ng litrato kasama ang Night Goblin na isa sa mga highlights ng inyong bisita sa Chonggyechon night market.

Address: Seorin-dong, Jongno-gu, Seoul

Banpo - Isang Romantikong Merado sa Liwanag ng Buwan

Ang Moonlight Market ay literal na ginaganap na gamit lang ang liwanag ng buwan. Ang lugar na ito ay maraming hatid na romantikong musika tulad ng jazz at mga acoustic performances. Habang nakikinig sa musika ay may mga trak ng pagkain na naka set-up sa tabi ng Hangang River para lubos mong ma-enjoy ang iyong pagbisita. May ibat ibang bagay din na binebenta ng yari lang sa kamay. Ang market na ito ay swak na lugar upang matamasa ang romantikong hangin ng Seoul.

Address: Dalbit Square, Banpo Hangang Park, Banpo-2dong, Seocho-gu, Seoul

Cheonggye Plaza – Seasonal Sightseeings kasama ang Night Goblins!

Sa gitna ng nakamamanghang tanawin ng Cheonggyecheon Stream, maaari mong ma-enjoy ang mga palabas, konsyerto, pagkain, at mga produktong gawa sa kamay sa Cheonggye Plaza. Magkaroon ng isang kahanga-hangang gabi sa Seoul sa pabago-bagong Seasonal events kasama ang mapaglarong night goblins na iniilawan ang lungsod ng Seoul!

Address: 14, Seorin-dong, Jongno-gu, Seoul

Post A Comment:

0 comments:

Feature Article