Your Filipino Korean Portal


Pinoy Seoul provide EPS-TOPIK news, scholarship announcements, K-pop events and job opportunities for Filipinos across the world.

Total Pageviews

Korean Love Affair ni Former President Noynoy Aquino, Nagsalita na


Is Grace Lee open to dating former President Noynoy Aquino again?


Inamin ng Korean disc jockey at TV5 host na si Grace Lee na may komunikasyon pa rin sila ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Taong 2012 nang mapabalita ang pagdi-date ng dalawa, noong nakaupo pa si Noynoy bilang Pangulo ng Pilipinas.

Sa interview ni Grace sa isang talk show sa South Korea, inamin niyang naudlot ang pagdi-date nila ng dating Pangulo nang lumabas ito sa media.

“We went on dates for about four months,” sabi ni Grace sa panayam niya sa talk show na Video Star ng cable channel na MBC Every 1 noong May 15.

Nilinaw ni Grace na hindi sila umabot ni Noynoy sa “officially dating,” pero mayroon daw silang “something.”

“In the Philippines, you call it the dating stage.

"If the two are interested in each other, then you can go out for dinner together," sabi ni Grace, na purong Koreana ngunit nagkaroon ng showbiz career sa Pilipinas.

Nagsimula raw silang pag-usapan sa media noong nasa “getting-to-know-each-other” stage sila kaya’t naudlot ito.

Ibinahagi rin ni Grace kung ano ang nagustuhan niya kay Noynoy.

“He's very smart and I could feel that he's a good person after having talks with him."

Dugtong pa niya, “I still keep in contact with him. We just ask how we're doing."

Sa posibilidad namang matuloy ang naudlot nilang pagdi-date, ani Grace, “You never know what can happen but our 'something' just ended there.

“I can comfortably talk about it now because it happened a long time ago."

-Bernie V. Franco posted on May 16, 2018

Korea News

Post A Comment:

0 comments: