Your Filipino Korean Portal


Pinoy Seoul provide EPS-TOPIK news, scholarship announcements, K-pop events and job opportunities for Filipinos across the world.

Total Pageviews

Episode 8 - EPS-TOPIK Master Class with Nash Oppa


In this lesson, Nash talks about Korean words and phrases that are commonly used in construction work. Grammars 아/어 놓다 and 지요 were discussed in the session.

Catch Nash oppa LIVE on EPS TOPIK Online Facebook page!
https://www.facebook.com/epstopik.online/


안녕 친구, tayo na at mag aral ulit tayo ng korean short lesson muna tayo wala pa kasi akong pahinga, di pa sana ako magppost ng lesson kaso di ko kayo kayang tiisin ahahaha..
SIMULAN NA NATIN
pag aralan natin ngayon si 는/은

> maraming nalilito dito sa pag gamit, 
kung sino ang gagamitin si 는/은 OR SI 이/가 
ba ang gagamitin?

alam kong pati ikaw ay nalilito rin, 
oo ikaw nga iilag kapa eh ahahaha
nakaraan pinag aralan natin si 가/이 
at ngayon alam nyo na ang gamit nya, 
so ngayon bigyan linaw naman natin si 는/은 
kung paano at saan ito ginagamit!!

actually same lang naman sila ni 이/가 na tumutukoy sa NOUN (tao,bagay, etc.)

si 는/은 ay mas kilala sa tawag na TOPIC MARKER , so sa tawag palang sa kanya ay alam natin kung para saan sya inaattach, 
TAMA , sya ay inaattach sa topic o yung BIDA sa pinag uusapan nyo. 
sa TAGALOG si 는/은 ay may KATUMBAS na kahulugan sa tagalog na 
" TUNGKOL SA ", or " "HINGIL SA" so ngayon alam mo na!

sa pag aattach nito ay madali lang.

는 ang iaattach nyo sa word kung ang huling lettra nito ay nagtatapos sa VOWELS.

halimbawa
칼라 nagtatapos sa vowels na ㅏ 
kaya si 는 ang gagamitin nyo

칼라 + 는 magiging 칼라는

은 naman ang iaattach nyo kung ang huling lettra ay nagtatapos sa consonant

halimbawa
로빈 nagtatapos sa consonant na ㄴ 
kaya si 은 ang gagamitin nyo

로빈 + 은 magiging 로빈은

halimbawa sa sentence
저는 필리핀 사람입니다.
( ako po ay pilipino)

isa pang halimbawa
로빈은 귀엽다.
(si robin ay cute)
ahahaha hindi ba? 
o cge na hindi na joke lang yun.. ㅋㅋㅋㅋ

> ok so dagdagan pa natin ang kaalaman nyo kay 는/은, 
si 는/은 ay ay ginagamit din sa 
PAG KUKUMPARA SA DALAWANG BAGAY or sa PAG SASABI NG PINAG KAIBA NG DALAWANG BAGAY .

kung baga sa mga tsimisan ninyo,
yung dalawang tao na pinag uusapan nyo ay iattach nyo lang sa pangalan nila si 는/은 
ang dali lang diba.

halimbawa sa sentence
준호는 한국 사람이에요. 그러지만 로빈은 필리핀 
사람이에요.
( si junho ay koreano. gayunpaman si robin ay pilipino.)

isa pang halimbawa.

저는 수박은 좋아해요. 그러지만 발삼 사과는 좋아하지 않아요.
( gusto ko ang PAKWAN. gayunmpaman hindi ko gusto ang AMPALAYA.)

gets na ba mga chingu?
HINDI parin? ahahaha

o cge dagdagan pa natin ang mga kaalaman ninyo .

si 는/은 ay ginagamit din sa pag uusap , KAPAG ang pinag uusapan ay KILALA NG KAUSAP MO, or ANG PINAG UUSAPAN NYO AY NABANGGIT MO NA SA KANYA DATI. 
kung baga yung mga dating impormasyon na sinasabi mo sa kanya , ay sinabi mo ulit ngayon sa kanya , ngunit sa pag kakataong ito 
NAKAATTACH na si 는/은 kc 
sa tinutukoy mo kasi ang bagay na tinutukoy mo ay alam o kilala na ng kausap mo dahil nabanggit mo na yun sa kanya DATI. !

halimbawa sa sentence

저는 작년에 한국에 갔었어요. 한국은 정말
아름다웠어요.
( pumunta ako sa korea last year. ang ganda talaga ng korea. )

ok na ba mga chingu? 
malinawa na yan ah, pag di maintindihan basahin po ng 3x para maunawaang mabuti.
so hanggang dito na lng muna ulit inaantok na kc ako ahahaha, goodluck pala sa exam nyo malapit na sana makatulong ulit itong lesson na ito sa inyong pag aaral

Credit to Jerome Cantillas (로빈)

Speak Like Korean

Post A Comment:

0 comments: